My Followers

Powered By Blogger

bflyjoy blogs...

On this site http://jconcepcion09.blogspot.com, you will see different love poems, about relationship, inspirational poems and videos, friendship, family, words of love and gratitude for mothers, positive thoughts for a positive outlook in life and other masterpiece made by different authors, others are especially made by me and many more...

Pagmamahal... 5:28 PM


Pagmamahal by Joybfly


May mga gustong mahalin sila.

May mga taong sila lang nagmamahal kasi ang minamahal nila ay may gusto/minamahal na iba.

May mga taong nasa isang relasyon na ay...naghahanap pa sila ng iba.

May mga taong nagmamahalan pero hindi pwede ang kanilang relasyon marahil may mga tutol sa relasyon nila.

May mga taong gustong maexperience ang love kaso takot silang masaktan kung sila ay iibig.

May mga taong nagmamahalan na kahit anu naman ang mangyari ay sila parin.

Iba-iba man tayong lahat magmahal ang importante diyan ay marunong tayong magmahal at dapat totoo ito.

Hindi laro ang pagmamahal kasi ang pagmamahal ay pagbabahagi natin sa ibang tao ang ating buhay.

Ang pagmamahal ay naguumpisa muna yan sa sarili, sa pamilya at sa Diyos.

Sa mga taong naghahanap ng pagmamahal, unahin muna ang sarili, darating din siya, huwag mag-alala andyan naman mga pamilya at kaibigan mo patuloy na nagmamahal sa iyo.
Hindi ba?

Sa mga taong naghahahanap ng iba, at nasa isang relasyon na, hindi niyo ba naisip na nasa isang relasyon ka at masasaktan mo ang iyong minamahal.

Bakit kapa naghahanap ng iba kung nasa isang relasyon kana?

Bakit hindi mo nalang alagaan at mahalin ng totoo ang karelasyon mo?

Ano? May mali? Baka kaw din ay nagkulang hindi lang siya hindi ba?

Bakit hindi ninyo pagusapan?

Kung hindi na magwork talaga, tigilan ninyo muna. Hindi ung habang kayo pa ay may hinahanap kang iba.

O kung malaman nia ito, anung gagawin mo, ihahadlang o itatago mo lang ba ito.

Magsisinungaling kapa?

Hindi mo ba alam na nasasaktan siya lalo dahil sa araw araw na pagsisinungaling na ginagawa mo sa kanya.

Wala ka bang awa? O sadyang manhid kalang at di mo maramdaman ang nararamdaman niya?

Naniniwala kaba sa salitang karma? Ako oo, darating ang panahon na ang karelasyon mo ngayon ay siyang magiging sandalan mo parin hanggang sa huli.

Magisip ka kaibigan. Oo nagkamali kana, sanan ngayon isipin mo ang pagkakamaling ginawa mo.
Mahalin mo muna sarili mo kaibigan.


Tapos dun ka magmahal ng iba.
Walng taong perpekto, ikaw ba perpekto? Hindi lang sa isang tao makikita ang lahat ng gusto mo, ugali, katangian, ang ayos at iba pa.


Sana kaibigan, gumising ka!!!!

Sana isang araw matuto kang magmahal ng totoo, at sa iisang tao lamang.

Sa mga taong gustong mahalin sila ng kanilang minamahal. Love takes time. Darating din siya. At alam ko magiging masaya karin.

Sa mga taong gustong magmahal pero takot sila, alam niyo hindi ninyo malalaman na nagmamahal na kayo kung di kayo masasaktan.

Sa mga taong nagmamahal ng totoo. Saludo ako sa inyo. Sana pagpatuloy ninyo...

Joy L. Concepcion






Your Ad Here


0 comments:

Post a Comment